CAOCMI – Daly Village
Reaching out nations, making disciples.
Join Our Community Online

Taong 1995 nang magbukas ng gawain sa Timalan para sa mga matatanda at mga bata. Pinangunahan ito ni Pastora Letty kasama sina Sis. May Pejer, Sis. Fe Pilpil, at Sis. Estie Vete tuwing Miyerkules at Sabado.
Dinaluhan ito ni Sis. Zeny kabilang ang kaniyang pamilya at mga kapitbahay. Kulang-kulang 50 ang dumalo na mga bata at kabataan sa bahay ni Tatay Tillano kung saan ginaganap ang mga gawain.
Kaparehong taon ay nagbukas din ang gawain sa Lontoc. Karamihan ng naging miyembro ay matatanda at kababaihan. Si Sis. Zeny ang naging kasama ni Pastora Letty sa paghayo. Ang mga sunday services naman ay ginaganap sa bahay-bahay lamang ng mga miyembro.
Taong 2006 ay ipinahakot lahat ng materyales mula sa building ng dating CAOCMI Tanza at ginawang paunang materyales upang gawin ang simbahan ng CAOCMI Lontoc.
Nabuo ang church sa Timalan Lontoc noong 2010. Sa Loob ng labing-anim na taon ay lumago ang church, kung saan nagkaroon ng iba’t ibang departamento at iba pang mga gawain. Si Pastora Letty ang naging opisyal na pastor ng Lontoc.

Noong 2016, sa hindi inaasahang pagkakataon ay kinailangan na ibigay pabalik ang lupang tinirikan ng CAOCMI Lontoc sa totoong may-ari nito. Dahil dito ay kinailangan ng maghanap ng panibagong simbahang malilipatan. Pansamantalang nangupahan ang mga mananampalataya sa bahay ng isang kapatiran na si Sis. Belle Ocampo sa loob ng tatlong buwan.
Hindi nagpatinag si Pastora Letty upang magkaroon ng bahay sambahan ang mga kapatiran sa Lontoc. Nagkaroon ng oportunidad na bilhin ang lote sa loob ng Daly Village at sa biyaya ng Diyos ay unti-unting naipatayo ang building. Noong December 2018 nang mabuo ang simbahan sa Daly.
Pagsapit ng February 2023, lumipat ang mag-asawang Pastor Jerny at Pastora Jay-Mie Catibayan sa CAOCMI Daly. Ginamit sila ng Diyos upang patuloy pang lumago ang simbahan. Nitong December 2023 ay ipinagdiwan ang ika-limang anibersaryo ng CAOCMI-Daly. Purihin ang Diyos!