CAOCMI – Pantihan 3

Reaching out nations, making disciples.

Join Our Community Online

April 2005 nang mapasimulan ang gawain sa Pantihan III. Ginamit ng Diyos ang kanyang lingkod na si Pastora Josefina Ocampo upang maitaguyod ang mga bible study at pananalangin sa nasabing lugar. Sa gitna ng maraming pagsubok, nagsilbing ilaw sa komunidad ang pagsasama sama ng mga mananampalataya sa Pantihan III. Maraming mga kwento ng pagpapala at deliverance.


Taong 2015 ay umalis si Pastora Josefina sa bansa, kaya naman si Pastora Belen Sendon ang humawak ng nasabing gawain. Nagkaroon ng panahon kung saan natigil ang lingguhang gawain taong 2018. Matapos ang dalawang taon na walang pagtitipon, iniligay ng Diyos sa puso ni Pastora Josefina na pasimulan muli ang gawain. Noong March 15, 2020 ay muling ni-relaunch ang Sunday service sa nasabing lugar. Gayunpaman, maalala na ito ang panahon kung kailan ang banta ng COVID-19 ay paparating.

Sa mga panahon na ito ay patuloy pa rin silang nagsasama-sama sa bahay ng isang kapatiran, ngunit nang maghigpit ang awtoridad ay wala silang nagawa kundi itigil ang lingguhang pagtitipon.


Gayunpaman, tapat ang Diyos sa buhay ng mga kapatiran natin sa Pantihan III. 2021 noong sila’y umalis sa garahe ng kapatiran at nagrenta ng isang bahay upang maging simbahan. 2023 nang sila’y lumipat sa mas malaking lugar. Patuloy ang Diyos sa pagbuhos ng biyaya sa CAOCMI Pantihan III dahil nang Marso ngayong taon lamang ay may ginamit ang Diyos upang makabili ng lote ang simbahan. Patuloy silang nananalangin upang magkaroon ng probisyon sa pagpapagawa ng church building. Sa kasalukuyan, patuloy ang paglago ng ating mga kapatiran sa Pantihan III.